Robi Domingo "overwhelmed and suprised" by his Star Awards nomination Rommel Placente Thursday, November 20, 2008 02:28 PM
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang second big placer ng Pinoy Big Brother Teen Editon Plus na si Robi Domingo kahapon, November 19, sa taping niya sa music channel na MYX, kung saan isa siya sa bagong VJs dito. Sinabi ni Robi sa PEP na "sobrang happy" siya nang malaman niyang nominado siya for Best New Male TV Personality sa PMPC 22nd Star Awards For TV, na gaganapin sa SMX Mall of Asia sa November 30.
Makakalaban niya sa kategoryang ito ang mga kapwa niya Kapamilya na sina Jon Avila, Bruce Quebral, at Josef Elizalde, at sina Dr. Hayden Kho at Doc Ferds Recio ng GMA-7.
"Nung una sinabi sa akin ni Ate Luz [Bagalacsa, Robi's handler in Star Magic] na nominado ako sa Star Awards, sa totoo lang, sinabi ko sa kanya, ‘Ate Luz, nambobola ka na naman. Sige na nga, ilibre na lang kita ng hamburger.' Mga ganun!" natatawang kuwento ni Robi. Pero aniya, "I am very overwhelmed and surprised na may ganito palang pagkilala sa akin. I mean, hindi ko ini-expect na ganito pala kalakas ang impact ko like Jon Avila, Bruce Quebral, Josef Elizalde, mga sobrang... Alam mo yung paglabas pa lang ng kahit ano, ang lakas na agad ng impact nila. Hindi ko ini-expect na I'm one of those people na, you know, na pagdating ko sa industry na kinilala na agad.
"Nagulat lang ako na...nag-isip ako sa sarili ko, ‘Bakit kaya ako napili? Bakit ako napasama sa kategoryang ito? Kaya apprehensive ako the whole thing na, ‘May possibility ba na matalo ko sila?' Mga ganun." Paano niya kukumbinshin ang voting members ng PMPC na siya ang dapat manalo o iboto ng mga ito bilang Best New Male TV Personality?
"When I think of the word personality, one thing that comes to my mind is about who you really are. Not acting as anyone. Not pertaining as actor or something like that. Yung talagang ikaw na ikaw. "We can connect the TV and the personality like na parang... Hindi naman sa TV na ‘O, ganito si someone, ang galing-galing niyang umarte na ganun.' Ako, umaarte rin ako. Pero it doesn't mean na puwede akong maging TV personality kasi sa ginawa kong acting na yun
"Yung TV personality na sinasasabi ko is portrayal of yourself, you're real self. And outside TV naman, kung paano yung pakikitungo mo with everyone. Siyempre, you have to have a good sense of humor and you have to inject good things to the people. "Bahala na lang ang mga taga-PMPC kung sa tingin ba nila ay dapat nila akong iboto o hindi. Kung anuman ang maging resulta, whether I win or not, still nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil na-nominate ako. Hindi ko nga inaasahan na magiging parte ako ng Star Awards na dating pinapanood ko lang," lahad niya. RIGHT TIMING.
Si Ejay Falcon ang itinanghal na grand winner sa PBB Teen Edition Season 2, pero matagal nang tapos ang contest ay wala pang proyektong binibigay ang ABS-CBN sa kanya. Unlike Robi na napasama sa My Girl, na pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Andrerson.
Ano ang masasabi ni Robi tungkol dito? "I think people have different packagings," sabi ni Robi. "Like for example, me, I'm more of the expressive person na talking, talking, and talking. Yun nga, I've learned things as well na... I think masasabi ko lang ngayon is I came to the right place at the right time.
Pasok na pasok lahat. "Like sa My Girl, they're looking for this kind of character, kailangan medyo... Hindi naman sosi, pero educated young man. So yun na parang napasok sa sarili ko. Like sa MYX naman, I wanna thank my mom for giving me the genes na maging taktakero and my dad for being a cerebral guy. So nag-intertwine yung dalawang bagay na yun na napunta sa akin," paliwanag niya.
Happy si Robi dahil nakasama at nakatrabaho niya si Luis Manzano sa MXY. Very vocal kasi si Rob sa pagsasabing idol niya ang anak nina Batangas Governor Vilma Santos at OMB Chairman Luis Manzano.
Nagbibigay ba ng tips sa kanya si Luis kung paano ang dapat niyang gawin para maging effective na host at DJ? "Isa sa mga iniidolo ko, si Luis nga. And yun, pag may every taping day or nagkikita kami, he gives me some humor jokes and sabihin ko, ‘Oo nga, ‘no, ba't parang ganoon And I like his style. Pero hindi ko kinokopya. Pero yun, gusto ko siyang maging one of the people who molded me in this industry," pagtatapos ni Robi.