Friday, May 8, 2009

Robi Domingo believes sex is sacred from PEP.ph by Rommel Placente

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 runner-up na si Robi Domingo sa presscon ng bagong weekly drama show ng ABS-CBN na Your Song Presents Boystown.

Inamin ni Robin na at the age of 19 ay virgin pa siya. Hindi pa raw siya nakikipagtalik sa kahit kaninong babae, kahit nakipag-fling na rin naman siya sa isang non-showbiz girl. Ang pinakamatinding nagawa lang daw niya sa girl ay ang yakapin ito.

Para kasi kay Robi ay sacred ang sex. Kaya gagawin niya lang daw yun sa babaeng mapapangasawa niya.

"I think that act for me is very sacred. And ibibigay ko lang yun sa tunay na minamahal ko," sabi ni Robi.

Kung ganyan ang paniniwala ni Robi tungkol sa sex, ibig ba niyang sabihin ay virgin din ang gusto niyang mapapangasawa?

"Siyempre po, very conservative po kasi ako," sagot ng binata.

What if makipagrelasyon na siya tapos ay mahal na mahal niya yung girl, pero malalaman niya na hindi na pala ito virgin? Makikipaghiwalay ba siya sa girl?

"Well, let's see. Let's see kung mahal ko talaga. Siyempre, love will dominate everything," sagot ni Robi.

RICHEST GIGGER BOY? Sa Boystown ay ginagampanan ni Robi ang papel bilang si Arkin, isang anak-mayaman. Sinasabing kaya raw ibinigay sa kanya ang role ay dahil sa totong buhay pinakamayaman siya sa Gigger Boys. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ha, ako raw ang pinakamayaman sa grupo namin?" natatawang reaksiyon ni Robi. "Hindi naman po ako ang pinakamayaman at hindi ko rin naman po sinasabi na mayaman kami. Siguro ang puwede ko lang pong sabihin ay nakakakain naman ako kahit paano ng tatlong beses sa loob ng isang araw.

"Siguro kaya po sa akin ibinigay yung role, sa tingin siguro nila ay mukha talaga akong anak-mayaman. Joke!" tawa na naman ni Robi. "Well, hindi ko po alam bakit sa akin nila ibinigay yung role, kung bakit ako ang napili para gumanap sa role na Arkin.

"Saka hindi naman po ako rito basta mayaman, e. Me pagka-bad boy rin po ako rito. So, ibig po bang sabihin kaya binigay sa akin yung role dahil sa totoong buhay ay bad din ako? Good boy naman ako, di ba?

"Actually, yung role ko sa Boystown is very different sa real personality ko. Panoorin n'yo na lang po yung show namin sa May 10 para malaman ninyo ang sinasabi ko. Pero gusto ko yung role ko, challenging siya," saad niya.

Makakasama ni Robi sa Boystown ang kapwa niya Gigger Boys na sina Enchong Dee, AJ Perez, Aaron Villaflor, Dino Imperial, Chris Guttierez, at Sam Concepcion. Ito ay mula sa direksiyon ni Lino Cayetano at magsisimulang mapanood sa May 10.

credits to : PEP.ph

No comments: