Monday, September 15, 2008

PBB Teen ex-housemate Robi Domingo joins VJ search in MYX!

PBB Teen ex-housemate Robi Domingo joins VJ search in MYX

Rommel Placente

Monday, September 15, 2008 10:05 AM



Wala pang bagong show sa ABS-CBN ang itinanghal na second big placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 na si Robi Domingo pagkatapos siyang mapanood sa My Girl, na pinagbidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Kaya naman sa kanyang pag-aaral muna ang focus ngayon ni Robi. Freshman student siya sa Ateneo kung saan kumukuha siya ng kursong Health Science.



Habang naghihintay ng bagong project sa ABS-CBN ay sumali muna si Robi sa competition para sa new VJ ng MYX na napapanood sa Studio 23



"I'm one of the 12 fighting for that spot. Four spots po ‘yan, e. Sana po ‘pag nakuha, e, di next VJ po ako," sabi ni Robi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 14, sa joint birthday party nila ng ex-housemate niya sa PBB na si Nicole Uysiuseng sa Party Avenue. Ang nag-organize ng naturang party ay ang fan club nila, ang RobiCole Cirle of Friends.



Isa raw sa mga pangarap ni Robi ang maging isang magaling na TV host kaya siya sumali sa naturang competition ng MYX.


"Actually, ano po, e, ang gusto ko po talaga, hosting. And I like music and hosting. And it would be the best outlet for my talents naman po," saad niya.


Kahit nasa showbiz na si Robi ay hindi naman daw naaapektuhan ang kanyang pag-aaral.


"I balance my studies with everything ho," sabi ni Robi. "Like ‘pag sa school po, school lang lahat ang iniisip ko. Paglabas naman po, kunwari showbiz po, puro showbiz naman po."


Maraming nagsasabi na kung titigil sa pag-aaral si Robi at magku-concentrate na lang siya sa pag-aartista ay siguradong sisikat siya at malayo ang mararating. Taglay raw kasi ni Robi ang lahat ng katangian ng isang artista para sumikat at ikinukumpara pa nga siya sa yumaong matinee idol na si Rico Yan. Ano ang reaction ni Robi tungkol dito?


"Itutuloy ko naman po yung pag-aartista ko. Pero para sa akin naman po, mas okey naman yung ginagawa ko ngayon. Kasi I'm hungry for education po talaga," pahayag ni Robi.


Sa edad na 18 ay hindi pa nararanasan ni Robi na magka-girlfriend. Pero sa ngayon ay may nililigawan daw siya.



"Ano na lang po, itago na lang po muna natin ngayon kung sino man yung nililigawan ko ngayon," pambibitin niya.


Pero taga-showbiz din ba ang nililigawa niya?


"Malalaman din po ninyo yun, huwag muna ngayon," nakangiti niyang sagot.


Hindi kaya si Nicole ang nililigawan niya?


"Naku, patay po ako kay Josef [Elizalde]!" natatawang pagtatapos ni Robi.

PHOTO CREDITS TO AFN PHOTOGRAPHY.♥

No comments: