Saturday, January 30, 2010

Gerald Anderson admits he has stronger feelings for Kim Chiu..


Nag-guest ang Kapamilya young stars na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Melissa Ricks, at Robi Domingo sa The Buzz last Sunday, January 14, para sa promo ng tinatampukan nilang pelikula sa Star Cinema, Paano Na Kaya?. Si Kris Aquino ang nag-interview sa kanila.


ROBI DOMINGO. Robi plays the role of JC sa movie, na family friend ng character ni Kim. Binubuyo sila ng mga parents nila para maging sila.


Ayon kay Robi, nag-enjoy siya sa kanyang first movie."Ang galing po kasing magdirek ni Direk Ruel. Tapos ang ganda po ng cast, especially kasama ko po sina Gerald at Kim. Na-overwhelm po talaga ako," wika ni Robi.


Bakit siya na-overwhelm?"Kasi yung parang iba po yung taping sa shooting, e. Iba po yung camera... yung angle niya. Lahat po iba."


Bukod sa apat na young stars, kasama rin sa cast ng Paano Na Kaya? sina Ricky Davao, Rio Locsin, Janus del Prado, Alwyn Uytingco, IC Mendoza, Jon Avila, Bernard Palanca, Cai Cortez, Empoy Marquez, Guji Lorenzana, with the special participation of Rica Peralejo and Zsa Zsa Padilla.Directed by Ruel S. Bayani, ipalalabas ang Paano Na Kaya? sa mga sinehan simula sa January 27.


CREDITS TO: Glen P. Sibonga, January 25, 2010, pep.ph

No comments: