Monday, January 25, 2010

Robi Domingo, tanggap na ma-link sa mga baklita sa showbiz..


Nakatutuwa naman ang mga binitiwang salita nitong si Robi Domingo sa harap ng press para sa movie niyang Paano Na Kaya? na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.


Kung ang ibang young actor ay ayaw o itinatago ang ma-link sa mga baklita na taga-showbiz, itong si Robi naman ay tanggap na ma-link siya sa mga baklita.


Alam n’yo ba na tinanong siya na kung hindi ba siya naiinggit dahil may Kim si Gerald?


“Hahanap na lang po ako ng ibang Kim Chiu,” sey niya.


Sa kanino naman kayang katauhan niya hahanapin ang isang Kim Chiu.


“Kay Direk Ruel (Bayani) na lang ako,” sey niya.


Alam naming hindi true ang sagot niya, pero nakatutuwa, dahil nga inosente siya sa kanyang mga sagot. Walang malisya para sa kanya ang mga sagot niyang ‘yon. Ibig sabihin nu’n, malinis si Robi, walang itinatago. Hindi siya katulad ng ibang artista na punung-puno ng lihim. Like? Ay, wag na…


CREDITS TO: Fernan de Guzman, January 21, 2010, pinoyparazzi.com

No comments: