Monday, November 2, 2009

Is Robi Domingo still hung up on Kim Chiu?


Nakakwentuhan ng ABS-CBN.com si Robi Domingo sa press conference ng mga bagong MYX VJs na sina Nel Gomez at Janine Ramirez. Si Robi ang isa sa mga nanalo sa MYX VJ Search noong nakaraang taon, samantalang sina Nel at Janine naman ang nanalo this year. Isang taon matapos ang kanyang panalo ay isa pa rin si Robi sa mga most watched VJs ng MYX.

Inalam ng ABS-CBN.com kung ano ang plano ni Robi sa darating na Pasko. Ibinihagi naman niya na dream niyang makalibot sa iba’t ibang Asian countries tulad ng Thailand, Singapore, at Hong Kong kasama ang kanyang pamilya. Nang tanungin kung ano ang nais niyang makita around Asia, diretsong sinabi ng binata na, “Hahanap ako ng kamukha ni Kim Chiu, ha ha ha!”

Hindi na nagpapigil pa ang ABS-CBN.com sa pagusisa kung hanggang ngayon ba ay matindi pa rin ang pagkagusto ni Robi kay Kim. Noong housemate pa lang kasi sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus si Robi ay vocal na siya about his admiration for the first Teen Big Winner. Sumakay naman ang binata sa usapan sa pagsabing, “Kailangan na sigurong humanap ng iba. Dapat nang maka-get over. Hindi naman porke nabakuran na [ni Gerald Anderson si Kim] e titigil na ang mundo ko. Kailangan humanap ka na ng iba.” May mga chismis na may secret relationship na nga ang magka-love team na sina Kim at Gerald ngunit pareho nila itong itinatanggi, at wala rin naman daw alam si Robi kung ano ang totoo.

Napipintong mag-krus ang landas nina Robi at Gerald para sa taping ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Si Gerald ang magiging bida at si Robi naman ang gaganap bilang nakababata niyang kapatid Hindi kaya sa set ng MMK ay nagkaroon ng tensyon kina Robi at Gerald dahil kay Kim? “May one time dati magkatabi kami ni Gerald. Kakausapin ko na siya, nag-iisip ako ng mapag-uusapan namin. E sa TV na nasa harapan namin, ipinalabas ‘yung commercial ni Kim. Tumagilid na lang ako, nilabas ko ‘yung cellphone ko kunwari busy ako. Sabi ko sa sarili ko hindi naming pwede pag-usapan si Kim. Nahiya tuloy ako kay Ge, ha ha ha!”

Nakatrabaho na ni Robi sina Kim at Gerald noon sa teleseryeng My Girl, pero hindi naman masyadong nakaporma si Robi sa chinita actress. Gusto ni Robi na makasama uli ang Kimerald love team sa isang proyekto. Pero nang tanungin kung gusto ba niyang si Kim lang ang makasama sa susunod na project, ang sagot lang ni Robi ay, “A project with the two of them na lang. Mahirap nang maintriga,” sabay tawa. Makailang ulit nang sinabi ni Robi noon na mataas ang respeto niya sa Kimerald love team at wala siyang planong gumawa ng anong hakbang na ikasisira ng nasabing tambalan.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Robi. May ilan nang niligawan ang 20-year-old Ateneo De Manila student pero wala pa raw sumasagot sa kanya. Ngayon ay mukhang pahinga muna ang love life ni Robi dahil gusto niya munang mag-focus sa kanyang pag-aaral at sa showbiz. Mapapanood si Robi bilang VJ sa MYX at tuwing Sunday sa ASAP ‘09 bilang member ng dance group na Gigger Boys.

CREDITS TO: Napoleon Quintos, abs-cbn.com

No comments: