Sunday, November 29, 2009

Robi, hindi apektado sa mga nagsasabing nawawala na siya sa sirkulasyon ng showbiz

Hindi diumano apektado si Robi Domingo sa mga nagsasabing unti-unti na siyang nawawala sa sirkulasyon ng showbiz.

Sa aming panayam kay Robi sa presscon ng Star Magic World Concert Tour, Live in Manila ngayong Nov. 13 sa Araneta Coliseum, wala raw problema kung wala siyang regular shows sa ngayon.

Napapanood naman daw siya sa ASAP, MYX at Studio 23.

Katatapos lang ding gawin ni Robi ang isang episode ng MMK with Gerald Anderson and Rio Locsin. Kailangan din daw niyang tapusin muna ang kanyang kursong BS Health Science sa Ateneo de Manila University kung saan two and a half years na lang ay graduate na siya.

CREDITS TO: Dominic Rea, Taliba, November 1, 2009

No comments: